Kailangan muna magkaroon ng regular Pag-IBIG Fund (Pag-IBIG I) Membership bago mag-enroll sa MP2 Savings Program.
Ano ang Dapat Gawin?
- Magpa-member muna sa Regular Pag-IBIG Fund (Pag-IBIG I)
- Kung hindi ka pa miyembro, mag-register sa Virtual Pag-IBIG (www.pagibigfund.gov.ph) o pumunta sa pinakamalapit na Pag-IBIG branch para kumuha ng Pag-IBIG MID Number.
- Kailangang maghulog ng at least one contribution sa regular Pag-IBIG Fund bago mag-MP2.
- Mag-enroll sa MP2 Account
- Kapag may Pag-IBIG MID Number ka na, maaari ka nang mag-register sa MP2 savings online o sa branch.
Bakit Kailangang May Regular Pag-IBIG Account?
- Ang MP2 ay voluntary savings program ng Pag-IBIG, kaya kailangan munang maging regular member bago ka makapag-contribute sa MP2.
- Ang regular Pag-IBIG Fund (Pag-IBIG I) ang nagsisilbing primary account mo, at doon naka-link ang MP2.
Kung hindi ka pa miyembro ng regular Pag-IBIG, magpa-register muna bago mag-MP2 para maiwasan ang anumang problema sa paghulog ng kontribusyon.
Kailangan ba ng loyalty card para makagawa ng pagibig account?
Hindi po kailangan ng Loyalty Card upang makagawa ng Pag-IBIG account.
Ano ang Kailangan para Magkaroon ng Pag-IBIG Account?
Upang maging miyembro ng Pag-IBIG Fund at magkaroon ng Pag-IBIG MID Number, kailangan mong gawin ang alinman sa mga sumusunod:
- Online Registration (Pinakamadaling Paraan)
- Pumunta sa Virtual Pag-IBIG: www.pagibigfund.gov.ph
- Punan ang online form para makuha ang iyong Pag-IBIG MID Number.
- Sundin ang instructions sa pagbabayad ng unang kontribusyon.
- Branch Registration
- Magpunta sa pinakamalapit na Pag-IBIG branch.
- Dalhin ang valid ID at sagutan ang Membership Registration Form.
Kailan Kailangan ang Loyalty Card?
- Optional lang ito. Ginagamit ito bilang discount card sa partner establishments at maaaring gamitin bilang cash card kung gusto mong doon matanggap ang mga loan proceeds o MP2 dividends mo.
- Maaari kang mag-apply para dito sa Pag-IBIG branches kapag active member ka na.
Mga sagot ne netizens sa tanong na Nag enroll na ako sa pag ibig MP2 account kahit na wala pang pag ibig account?
All-star contributor
Kung wala kang loyalty card plus,pwd po id’s gamitin mag register sa virtual account. Makapag enroll ka sa MP2 basta active P1 or Regular savings mo.
Top contributor
Pwedeng mag enroll ng mp2 kahit wala pang virtual pagibig acct. Ang kailangan lang ay active ka na pagibig member.
Pwede ka nman mgka p1 khit wla ka pa loyalty card ha..enroll ka muna ng P1 or MID mo…tpos hulugan mo muna un..ska ka gawa ng mp2 numb mo
Lonie Amboboyog sa akin experience sa pag ibig branch n ako nag pa enroll ng mp2 at dun na ako nag bayad ng ist payments
Iba pang mga Babasahin
Pwede po ba ipa-cancel and pre termination ang pag-ibig MP2?
Yung pag-ibig loan na di nabayaran ng company pwede pa ba yun bayaran?
Maaari Bang Magbayad ng Maraming Beses sa pagibig MP2 sa Isang Buwan?
Paano magdeposit sa mp2 gamit ang debit or credit card?
Kailan po usually nag rereflect sa pg ibig app pag nagbayad ng pag-ibig mp2 sa pay maya?